Sunday , December 22 2024

Giyera sisiklab — Palasyo (BBL ‘pag ‘di naipasa)

BBLNAGBABALA ang Palasyo na sisiklab muli ang giyera at hindi uunlad ang Mindanao kapag hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasunod nang pagsuspinde ng Kongreso sa mga pagdinig kaugnay sa BBL makaraan ang madugong enkwentro ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 na ikinamatay ng 44 SAF commandos.

“Dahil kung hindi ito isusulong  at iisa lang naman  ang  alternatibo,  iyong pagbalik sa karahasan at iyong kawalan ng kasiguruhan hinggil sa pag-unlad at estabilidad ng Mindanao. Kaya iyan po ang mga dapat na magnilay po ang ating mga mambabatas na ito ang magiging consequence kung mababalam o titigil ang prosesong pangkapayapaan,” wika Coloma.

Aniya, ang pangkalahatang situwasyon ay hintayin muna kung ano ang malalaman pa sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Board of Inquiry at Senate probe on Mamasapano para magkaroon ng linaw sa direksiyon na tatahakin.

“At sa aspetong iyan ay malinaw din naman ang naging pahayag ni Pangulong Aquino kung gaano kahalaga iyong pagsulong ng prosesong pangkapayapaan,” sabi pa ni Coloma.

Nauna rito, binatikos ng ilang naulilang pamilya ng Fallen 44 si Pangulong Aquino sa hindi pagkondena sa MILF kaugnay sa Mamasapano incident.

Rose Novenario

MILF mananatiling revolutionary org (Hangga’t walang peace agreement)

IKINABAHALA ni Sen. Bongbong Marcos ang naging pahayag ni MILF chief negotiator Mohag-her Iqbal na mananatiling revolutionary organization ang MILF hangga’t hindi naipatutupad ang peace agreement ng pamahalaan ng Filipinas.

Ito ay dahil sa sulat ni Iqbal sa Senado na ipinagbigay-alam ang hindi pagdalo sa pagdinig hangga’t hindi pa tapos ang sarili nilang imbestigasyon. Nabanggit niya sa sulat ang katagang, “until peace agreement is fully implemented, we will remain to be a revolutionary organization.”

Ayon kay Marcos, kabaliktaran ito sa mga sinasabi ni Iqbal sa pagdinig ng kanyang komite para sa Bangsamoro Basic Law.

Cynthia Martin/Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *