Kinalap Tracy Cabrera
MAGSISIMULA sa Marso 19 ang Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Sta. Cruz, Laguna, bilang try-out na rin sa mga atletang Pinoy para sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.
“This will be a tough competition. Dito masusubukan ang ating mga atleta dahil makakalaban nila ang pinakamagagaling na rehiyon,” pahayag ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Philip Juico sa Philippine Sooprtswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.
Ayon sa dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), lalahukan ng kilalang mga powerhouse na bansa sa Asya ang na-sabing patimpalak na kabibilangan ng 23 event at gaganapin sa San Luis Sports Complex.
Kabilang sa mga bansang lalahok ang Indonesia, Brunei, Thailand, Myanmar, Vietnam, Japan, Hong Kong, Chinese Taipei, South Korea, Singapore at Malaysia, na magpapadala ng dalawang team mula sa Sabah at central Malaysia.
“Kakaiba rin ngayon ang National Open dahil sasali rin ang ilang mga Philippine heritage athletes na darating ‘on-their-own’ na magta-try out din para sa national team,” ani Juico.
Kasamang host ng PATAFA sa kompetisyon ang pamahalaang lalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernador Ramil Hernandez sa tulong ng pribadong sector na nangako nang buong suporta para matiyak ang tagumpay ng palaro na magwawakas sa Marso 22.