Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 nakipaglamay paglalamayan na rin (Tepok sa ligaw na bala)

082714 police line crimePATAY ang 50-anyos lalaki at 3-anyos batang babae na sinasabing tinamaan ng ligaw na bala habang nasa lamayan sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasig Medical City ang mga biktimang sina Lino Buenaflor, 50, at Xyriel Andal, 3, ng Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City .

Ang dalawa ay tinamaan ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy pang inaalam ng Taguig City Police kung sino ang taong responsable sa pamamaril.

Base sa ulat na nakarating kay Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, dakong 8 a.m. nang mangyari ang insidente sa burol ng patay sa Kalayaan at P. Mariano Streets, Brgy. Ususan ng siyudad.

Bigla na lamang nakarinig ng ilang putok ng baril ang mga nakikipaglamay at pagkaraan ay bumagsak na duguan ang mga biktima.

Isinugod sila sa pagamutan ngunit kapwa idineklarang dead on arrival. 

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …