Sunday , December 22 2024

Purisima suspendido bilang pulis (Kahit nagbitiw bilang PNP chief)

pnoy purisima

KAHIT nagbitiw bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si Director General Alan Purisima ay sakop pa rin siya ng Ombudsman.

Ito ang pahayag kahapon ng Palasyo kaugnay sa estado ni Purisima sa PNP na pinatawan ng anim na buwan suspension ng Ombudsman noong Disyembre habang pinuno ng pambansang pulisya dahil sa isyu ng katiwalian.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nananatiling suspendido si Purisima bilang pulis at walang kinalaman sa kasong kanyang kinakaharap sa Ombudsman ang pagbibitiw niya sa posisyon bilang lider ng PNP.

“According to the Chief Presidential Legal Counsel, Secretary Alfredo Benjamin Caguioa, Police Director General (PDG) Allan Purisima’s resignation as Philippine National Police (PNP) Chief was accepted by President Aquino. Considering that he remains part of the PNP, PDG Purisima is required by law to comply with the orders of the Ombudsman,” sabi ni Coloma.

Aminado si Coloma na dumaraan sa isang “transition phase”  ang PNP bunsod ng suspensiyon at pagbibitiw ni Purisima kaya nanawagan siya sa publiko na antabayanan na lang ang magiging anunsiyo ni Pangulong Benigno Aquino III sa itatalagang bagong PNP chief.

Matatandaan, nang suspendihin si Purisima ng Ombudsman ay hinirang ng Pangulo si Deputy Director Espina bilang officer in-charge ngunit dahil magre-retiro na rin siya ngayong taon ay hindi siya maitatalagang chief PNP.

Rose Novenario

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *