Sunday , December 22 2024

Problema sa pamilya, negosyo sa Taiwanese family murder-suicide

FRONTHINIHINTAY pa ng San Juan Police ang resulta ng autopsy sa limang miyembro ng Taiwanese family na natagpuang patay sa kanilang bahay sa Midland 2 Subdivision, Madison Street, Brgy. Greenhills.

Una nang kinilala ni San Juan Police Chief Senior Supt. Ariel Arcinas ang mag-asawang Taiwanese na sina Luis at Roxanne Hsieh at kanilang mga anak na sina Amanda, 19; Jeffrey, 14; at John, 12.

Aniya, posibleng planado ng mag-asawa ang pagpapakamatay at pagdamay sa mga anak.

Problema sa pamilya at negosyong furniture ang nakikitang dahilan ng mga pulis.

Target ng autopsy na matukoy kung sino ang huling binawian ng buhay sa lima dahil posibleng siya ang naglagay ng tape sa mukha at nagbalot ng plastic sa ulo ng mga bangkay.

Hinihinalang namatay sa pagkalason ang mag-anak dahil nakitang bumubula ang kanilang bibig at ilong.

Sabado ng umaga nang matagpuang patay ang pamilya. Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang nakita ng kasambahay sa lababo ang dalawang sulat ng misis para sa kapitbahay na doktor at sa administrasyon ng subdivision.

Unang naibigay ng kasambahay ang sulat para sa doktor dahil sarado pa noon ang opisina ng subdivision.

Bumalik sa bahay ang kasambahay at ginawa ang trabaho.

Sunod nito, kumatok ang doktor sa bahay ng mga Taiwanese at sinabihan ang kasambahay na suriin ang master’s bedroom.

Doon na tumambad sa kanila ang bangkay ng pamilya. Nasa kama ang mag-asawa, nasa sahig ang dalawang anak na lalaki at nasa kabilang kwarto ang panganay na babae.

Nakasaad sa sulat na i-cremate ang kanilang mga bangkay.  

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *