Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa ninakawan misis pinatay

112514 deadCAUAYAN CITY, Isabela – Wala pang natutukoy ang mga imbestigador ng San Mateo Police Station na suspek sa panloloob sa bahay ng mag-asawang matandang negosyante sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela kamakalawa.

Ito’y nagresulta sa pagkamatay ng 81-anyos negosyanteng si Marcelina Penia habang nasugatan ang kanyang mister na si Leonardo, 84-anyos, nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa Santiago City.

Sinabi ni Sr. Inspector Romeo Tilios, hepe ng San Mateo Police Station, umaabot sa P100,000 cash at alahas ang natangay ng magnanakaw.

Ang nakaligtas na si Lolo Leonardo ay pinalo sa mukha habang ang kanyang misis ay pinalo sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Walang forcible entry sa bahay ng mag-asawa kaya kabilang sa mga tinitingnan nilang anggulo ay maaaring kakilala ng mga biktima ang suspek.

Inanyayahan nila sa himpilan ng pulisya ang 10 trabahador na nagsasagawa ng renovation sa bahay ng mag-asawa.

Sila ang unang nakatuklas sa nangyari sa mag-asawang Penia dakong 7 a.m.

Aalamin ng mga tagasiyasat kung may napansin ang mga trabahador na kahina-hinala nang umalis sila kamakalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …