Monday , December 23 2024

Tuloy ang laban tuloy ang SAF  — Roxas

mar roxas safMALAKI ang tiwala ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na maibabalik ang Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa dati nitong lakas, sa kabila ng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao na naging sanhi ng pagpanaw ng 44 kasapi nito.

“Bilang isang pamilya, andito tayo para unti-unti nating tahakin ang mga darating na araw, linggo at buwan hanggang masagot natin ang bawat katanungan, hanggang maibalik natin ang kumpiyansa sa PNP-SAF,” ani Roxas.

Kaugnay nito, isa-isang binisita ni Roxas ang pamilya ng mga yumaong kasapi ng PNP-SAF upang mapanatag ang kanilang loob at para ihatid ang tulong mula sa pamahalaan.

“Hindi na natin maibabalik ang kanilang mga mister, anak, at kapatid. Ang magagawa na lang natin ay siguruhing nasa ayos ang kanilang mga pamilya kaya sisiguraduhin nating mapapasakanila ang tulong ng pamahalaan,” sabi ni Roxas.

Nauna nang dinalaw ni Ro-xas sa kanilang mga tahanan ang pamilya ng mga nasawing SAF mula sa Hilagang Luzon, partikular ang pamilya nina PO2 Noble Sungay Kiangan at PO1 Angel Chocowen Kodiamant sa Benguet, PO2 Walner Faustino Da-nao at PO2 Peterson Indongsan Carap sa Baguio City, PO2 Omar Agacer Nacionales sa La Union, at PO2 Ephraim Garcia Mejia sa Pangasinan.

Kinausap na rin ni Roxas ang mga kasapi ng SAF upang linawin na magkakaroon ng kasagutan ang bawat katanungan tungkol sa nangyari sa Mamasapano at makaaasa ang buong PNP-SAF, mga pamilya ng mga namatayan, at ang buong bansa na hindi maisasantabi ang pagkamatay ng mga nasabing pulis para sa ba-yan.

“Nasa atin, nasa SAF, kung ito ang magsisilbing dahilan ng pagkakawatak-watak ng pangkat, o kung ito’y magiging isang hamon, inspirasyon at ala-ala sa 44 nagsakripisyo nang makabuluhan nilang buhay. Ito ang magpapalakas sa atin,” ani Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *