Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May sayad na bebot tinurbo ng senglot

111114 rapeCEBU CITY – Ginahasa ng isang lasing na lalaki ang isang 20-anyos babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Basak, Lungsod ng Lapu-lapu, Cebu kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Senior Insp. Juan Capacio, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) Station 4, nasa higit 20-anyos ang biktima na taga-Cordova, Cebu.

Madalas aniyang nakikita ang biktima na gumagala sa Tamiya St. ng Sitio Ibabao Brgy. Basak ng nasabing lungsod.

Habang kinilala ang suspek na si Achilles Ababon, 33, may asawa at tubong Dinagat Island, Surigao del Norte.

Sa imbestigasyon nina PO1 Mark Moralde at PO1 Jason De Guzman, kinombinsi ng suspek ang biktima na sumama sa kanya sa madilim na bahagi ng lugar.

Mabuti na lamang at nakita ng isang residente ng nasabing lugar at sinita ang suspek sa panghahalay.

Mahigpit na pinabulaanan ng suspek ang akusasyon at sinabing hinalikan lamang niya ang biktima at binayaran niya ng P200.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang biktima habang naka-detain na ang suspek sa karsel ng Lapu-Lapu City Police Station Station 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …