Friday , November 15 2024

Roxas sumaludo sa mas malakas na SAF

mar roxas saf“Magkakasama tayo. At magtutulungan upang mas lumakas pagkatapos nito.”

Ito ang tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa mga miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) kasabay ng pangakong gagawin ng gobyerno ang lahat upang masuportahan ang mga pamilya ng kanilang kasamahan na namatay sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25.

Isang araw matapos iuwi ang labi ng 42 sa tinawag na “Fallen 44” sa kanilang mga lalawigan, pinarangalan at pinasalamatan ni Roxas ang mga pulis na lubos na nagsakripisyo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

“Nagtipon tayo sa ngalan ng isang lubos na nagpapasalamat na bansa, bilang pagkilala sa kanilang kaba-yanihan,” ani Roxas na lumahok din sa isang salo-salo kasama ang mga opisyal at tauhan ng SAF sa kanilang headquarters kamakalawa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Roxas, maitutulad ang munting salo-salo sa pagsasama-sama ng mga pamilya sa pagkain upang alalahanin ang mga yumao nang mahal sa buhay.

“Tulad ng ibang pamilya, nagtipon tayo ngayon nang walang pakay, walang agenda, kundi para lang mag-kasama-sama,” ani Roxas. 

“Walang duda, ginampanan ng SAF lalo na ‘yung 44 at 15 (sugatan) ang kanilang tungkulin with utmost courage to the unit, to the flag. The SAF got their man.”

Nilinaw din ni Roxas na mahalaga ang papel ng Board of Inquiry para masagot ang maraming katanungan.

“Ang Board of Inquiry na ito, tapat, hayag at masasa-got ang katanungan bilang respeto sa alaala ng mga pumanaw,” dagdag ni Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *