Friday , November 15 2024

PNoy, MILF maaaring managot sa ICC — Miriam

PNOY EBRAHIMMAAARING sampahan ng asunto sa International Criminal Court (ICC) si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang commander-in-chief, maging ang matataas na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa command responsibility sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa operasyon laban sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang tahasang si-nabi ni Sen. Miriam Defensor-Satiago na nahalal bilang huwes ng ICC, ngunit hindi natuloy ang panunungkulan dahil sa kanyang karamdaman na lung cancer.

Ayon kay Santiago, sa ilalim ng tinatawag na command responsibility ay mananagot sa war crimes ang matataas na military commander at iba pang superior officials alinsunod sa charter ng ICC kaugnay ng aniya’y masaker sa 44 miyembro ng SAF sa Maguindanao.

Hindi lang aniya maaring papanagutin dito ang mga opisyal ng militar kundi maging ang pinuno ng mga rebeldeng grupo.

“It applies to armed conflicts that take place in the territory of a state when there is protracted armed conflict by the governmental authorities and organized armed groups,” ani Santigo.

Wika ni Santiago, sakaling mapatunayan na guilty ang military commander at iba pang superior officers ay maparurusahan sa ilalim ng “rules derived from established customs, from the principles of humanity, and from the dictates of public conscience, also known as the Marten’s Clause.”

Bukod dito, kinu-westyon din ni Santiago ang aniya’y pakikialam ng ibang bansa sa seguridad ng Filipinas kasu-nod ng ulat na tumulong ang CIA ng Estados Unidos para tugisin ang international terrorist na si Marwan.

“If the Philippine government received help from the CIA, then the rebels under international law would argue that they have a right of counter-intervention from their own friendly state,” wika ng senadora.

Niño Aclan/Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *