ISANG MICHAEL DE CASTRO na tubong Taal, Batangas ang sumisikat ngayon sa larangan boxing promotion. Isang taong pa lang naitayo ang kanyang United Boxing International Promotion sa may San Pedro st., Malate, Manila ay marami na siyang natulungan na mahilig sa boxing.
Noong nakaraang taon 2014 at sa kasalukuyang taon 2015 ay nagdaos na ang United Boxing International Promotion na may pitong (7) United Cup championship sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.
Noong nakaraang Enero 31, 2015 naganap ang United Cup 7 ng United Boxing Int’l Promotion sa Mandaluyong City Gym sa pakikipagtulungan ni Mayor Benhur Abalos, Jr.
Napanood dito ang WBC ASIA Light Fly Weight Championship na kung saan lumaban ang mga ALAGA BOXER na naging kampeon sa stable ng United Boxing Gym.
Ang mga mahuhusay na boxer na alaga ni Mr. De Castro ay sina Richard Clavera, Ardin Diale, Rene Dacquel at Warlito Parrenas. Mga kampeon ang mga ito sa iba’t-ibang division.
Bago pa lang na boxing promoter si Mr. De Castro ay marami na siyang boxer na nag-kampeon sa tulong niya at ang kanyang kaibigan na si Mr. Ryuta Kato na may boxing promotion sa bansang Hapon.
Sa Pebrero 28, 2015 ay tutungo ng Belpas, England si Mr, Michael de Castro kasama ang kanyang magaling na boxer na si Warlito Parrenas upang isabak sa WBO Superfly Weight Eliminator.
Marami pang idadaos na pa-boksing ang United Boxing International sa taon ito sa Metro Manila.
Si Mr. Art Monis ang mahusay na matchmaker ni Mr. De Castro.
“Sa mga gustong maging amateur o professional na boxer, open para sa inyo ang mag-ensayo dito sa United Boxing gym na makikita ninyo sa San Pedro St., Malate, Manila,” pangwakas ni Mr. Michael de Castro.
oOo
PAALALA!!!
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng iba’t-ibang uri ng pangongopya tulad ng “XEROX COPY” ng DIVIDENDAZO PROGRAM”. Ang sinuman na mahuhuli na gumagawa nito ay maaaring idemanda ng pamunuan ng naaayon sa batas ayon sa nakasulat sa programa ng Dividendazo.
May TIP ako sa pamunuan ng Dividendazo. Pasyal kayo minsan sa ilang MALL na may OTB may makikita kayong may hawak na programa ng Dividendazo na XEROX copy.
Kung hindi binili at nagpa-XEROX ang gumagamit bawal din ba ito?
oOo
Marami pa rin daw na mga hinete ng magaling UMARTE sa ibabaw ng kabayo sa mga aktuwal na karera, puna ng mga mananaya.
Kung gustong ipatalo ang kanyang sakay ay gagawa ito ng paraan at TODO arte ito sa ibabaw ng kanyang kabayo. Nagtataka din ang mga mananaya na ang dating deboka o banderistang kabayo ay biglang naiiwan sa aparato o starting gate.
Nakikita o napapanood ng mga mananaya kung bakit liyamado ang kabayo sa “Betting” na biglang naii-SCRATCH at ililipat sa maliliyamado na kadalasan ay TALO sa kararerang yon.
Tama daw ba ang GANOONG SISTEMA na umiiral hanggang sa ngayon.
SANA BAGUHIN DAW!
oOo
Kung may KOMENTO o SUHESTIYON nais kayong ipadala sa ating kolum ay magtext lang po kayo sa #09477118735.
ni FREDDIE M. MAÑALAC