Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol utas sa jeep na nawalan ng preno (Paslit sugatan)

082714 police line crimePATAY ang dalawang lalaking magkapatid habang sugatan ang isang 5-anyos batang babae makaraan araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Caloocan City Medical Center ang magkapatid na sina Jose, 50, at Rey Marifosque, 48, kapwa residente ng 293 1st St., Brgy. 39, Grace Park ng nasabing lungsod.

Habang ginagamot sa nasabing pagamutan  si Chriscelle Athena Medes, ng BMBA, 1st Avenue ng nasabing lungsod.

Nakapiit na at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and physical injury ang driver ng jeep na si Juanito Passion, 50, ng 928-B. Galauran St., 7th Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO2 Fernan Romero, dakong 12:55 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension, 2nd Avenue ng lungsod.

Tinatahak ng minamanehong jeep (TXF-467) ni Passion ang nasabing lugar nang biglang mawalan ng preno dahilan upang kabigin papuntang kanan na sumampa sa gutter bago bumangga sa sementadong poste sa tapat ng isang motel.

Nagtuloy-tuloy pa rin ang pagtakbo nito at inararo ang mga biktimang nakatayo sa gilid ng kalsada.

Pumailalim sa jeep ang magkapatid habang tumilapon ang paslit na agad nahatak ng kanyang ina. Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …