ni Tracy Cabrera
INIAALAY ngayong taon ng 2015 Le Tour de Filipinas ang makabayang tema bilang parangal sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na brutal na pinatay habang nasa tour-of-duty sa pagsisimula ng ika-6 na edisyon ng apat-na-yugtong international race nitong nakaraang Linggo.
Binansagan ang karera bilang ‘The Tour for Heroes’ sa pagsisimula nito sa Balanga, Bataan, na isa ring lugar sa kasaysayan ng Filipinas na naging bantayog ng kabayanihan ng mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ayon kay Donna May Lina-Flavier, pangulo ng race organizer na UBE Media, para magsimula ang 2015 Le Tour sa Bataan sa panahon ng pagdada-lamhati ng sambayanan ay nagsisilbing insipirasyon para ialay ang karera para sa mga nasawing bayani ng SAF.
“The Le Tour de Filipinas is not only about sports and competition, it’s about fostering lasting peace among nations through cycling,” punto ni Lina-Flavier.
Nag-alay muna ng panahon ng katahimikan para sa mga biktima ng masaker sa Mamasapano bago sinimulan ang opening ceremony ng Le Tour na pinangunahan nina Bataan Governor Abet Garcia at Bala-nga Mayor Joet Garcia.
Nag-alay din ng panalangin bago pumadyak ang mga kalahok sa ka-rera mula sa Balanga patungong Balanga para sa 126-kilometrong Stage One ng International Cycling Union Asia Tour race.
Nangunguna sa kampanya ng Filipinas para idepensa ang titulo nina Mark John Lexer Galedo at Baler Ravina kontra sa malalakas na team mula sa Estados Unidos, Germany, Austria, Norway, Japan, Taiwan Malaysia, Indonesiam Brunei, Kazakhstan at Iran, na may dalawang kampeon sa katauhan nina Rahim Emami at Gha-der Mizbani.
“Malaki ang tsansa na-ting manalo dahil may kom-piyansa ako sa ating dalawang team na kaya nilang talunin ang ano mang oposisyong ibibigay ng kanilang mga katunggali,” pahayag ni Lina-Flavier.