Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abalos absuwelto sa electoral sabotage case

abalosINABSWELTO ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch si da-ting Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr., sa dalawang kaso ng pandaraya sa halalan noong 2007 sa North Cotabato.

Nilinis ni Judge Jesus Mupas ng Pasay RTC Branch 112, ang pangalan ni Abalos dahil sa pag-kabigo ng prosekusyon na ma-patunayan ang conspiracy sa pagkakasangkot ng dating chairman.

Magugunitang ibinulgar ng state witness na si dating North Cotabato election officer Yogie Martirizar na sangkot sa dayaan si Abalos.

Batay sa alegasyon, namanipula ang boto para paboran ang mga senatorial candidates sa Team Unity, ang administration ticket ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago ito, una na ring ibinasura ng Pasay RTC Branch 117 ang 11 counts din ng electoral sabotage case laban kay Abalos.

Para kay Abalos, 79, ang kanyang acquittal “ay gawa ng Panginoon para magkaisa rin ang kanyang pamilya.”

Aniya, mabigat sa kanyang kalooban ang pagkakakulong lalo na kapag nasa ‘isolation’ siya.

Inabot din siya ng walong buwan at apat na araw sa kulungan.

Naging emosyonal ang kanyang pamilya sa naging desis-yon ng korte.

Dumalo sa promulgasyon ng kaso ang nagretiro pa lamang kahapon na si Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Kung maaalala, si Abalos ay dati na ring naging mayor ng Mandaluyong at naging chairman ng MMDA.

Anak niya ang kasalukuyang mayor ng Mandaluyong na si Benjamin Abalos Jr.

Taon 2007 nang mag-resign siya sa pwesto bilang Comelec chairman makaraan makaladakad ang kanyang pangalan sa eskandalo sa ZTE national broadband network (NBN) deal.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …