Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18-anyos bebot tinadtad ng saksak sa pension house

112514 crime sceneDIPOLOG CITY – Hubo’t hubad at tadtad ng saksak ang katawan nang matagpuan kamakalawa ang bangkay ng isang 18-anyos dalaga sa loob ng isang pension house ng Dipolog City at hinihinalang tatlong araw nang patay.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na sinasabing tubong Sindangan, Zamboanga del Norte, habang ang suspek na dayuhan ay kinilala lamang sa palayaw na “Ali Ali.”

Sa paunang imbes-tigasyon ng SOCO Dipolog, nag-check-in sa Antonio’s Pension House ng Martinez St., ang dalawa noong Enero 28, 2015.

Nagtaka ang mga empleyado dahil lumipas ang tatlong araw makaraan mag-check-out ang dayuhan ay hindi pa rin lumalabas ang biktima sa kwarto.

Kinutuban nang masama ang mga trabahante ng nabanggit na pension house kaya nagdesisyong puwersahang buksan ang kwarto.

Sa puntong iyon ay bumalagta sa kanila ang walang buhay na dalaga habang walang saplot at tadtad ng saksak ang buong katawan.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …