Friday , November 15 2024

Suspensiyon sa peace process ibinasura ng GRP, MILF

SAF 44KUALA LUMPUR, Malaysia – Sa gitna ng mga lumalakas panawagan para suspendihin ang pagsusulong ng peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng Mamasapano massacre, nangibabaw ang desisyon ng mag-kabilang peace panels ng gobyerno ng Filipinas at MILF.

Makaraan ang dalawang araw na meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay sa decommissioning process, kapwa pinagtibay nina government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer at MILF peace panel chairman Mohager Iqbal ang commitment na tapusin ang proseso at makamit ang kapayapaan.

Sinabi ni Ferrer, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry habang nasa enounter site ang International Monitoring Team (IMT) para malaman ang katotohanan sa aniya’y ‘misencounter’ na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force.

Ayon kay Ferrer, ano man ang resulta ng im-bestigasyon, hindi dapat mawala ang pokus sa mas malaking larawan o hangaring mailagay ang mga kinauukulang reporma at sistema para sa Bangsamoro.

Sa panig ni Iqbal, ipinaaabot nila ang paki-kiramay sa mga naulila ng lahat ng namatay sa ‘unfortunate incident’ at tiniyak ang kooperasyon ng kanilang hanay para sa imbestigasyon.

Inihayag ni Iqbal na hindi dapat mangibabaw ang emosyon at bigyang-daan ang pagkamit ng kapayapaan.

Hindi rin aniya nagbabago o nabahiran ang kanilang commitment para kompletohin ang proseso na siyang tanging solusyon sa kaguluhan at kahirapan sa rehiyon.

18 MILF patay sa Mamasapano encounter — Iqbal

LABINWALO ang idineklarang namatay mula sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa sinasabing misencounter sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ito ang inianusyo ni MILF chief peace negotiatior Mohagher Iqbal sa joint press conference ng MILF at Philippine government sa Palace of the Golden Horses sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Sabado.

“The Bangsamoro people has also suffered a lot in the conflict in Mindanao as a result of se-veral massacres in various parts of the Bangsamoro,” aniya bago ini-anunsyo ang bilang ng namatay at sugatan sa kanilang hanay.

Habang 14 ang sugatan mula sa kanilang hanay.

“It was a pure and simple misencounter. The operation was intended to BIFF which is coddling Marwan and Basit Usman.”

Armas ng MILF isusuko sa Marso

MAKARAAN opisyal na mapirmahan ang mga patakaran sa pagsusuko ng armas ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sisimulan na agad ang proseso nito sa Marso.

Ayon sa peace panel ng gobyerno ng Filipinas at ng MILF, tanda ito ng katapatan ng dalawang panig sa pagpapatuloy ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

Ito ay dahil sa mga pagdududa partikular sa panig ng MILF hinggil sa sinseridad nila na maki-pagkasundo sa gobyerno makaraan ang madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa brutal na kamatayan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

“The ceremonial event will signal the start of the decommissioning process laid out in the annex on normalization as Phase 1,” sabi ni Prof. Miriam Coronel-Ferrer, chairman ng peace panel para sa panig ng gobyerno ng Filipinas, sa press conference sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Aniya, tatlong araw bago naganap ang enkwentro sa Mamasapano, personal na ibinigay ni MILF Chairman Ibrahim ang listahan ng unang 75 armas na kanilang isusuko. Ibinigay ito ni Ibrahim kay Turkish Ambassador Haydark Berk, chairman ng International Decommissioning Body (IDB), nang dumalaw siya sa kampo ng MILF sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat.

Sa nasabing 75 armas, 20 dito ay crew-served weapons at 55 ang high-powered weapons.

“The list of the first 145 MILF members to be decommissioned will be handed over to the IDB this week,” dagdag ni Ferrer.

Bilang bahagi ng pro-seso, ihahanda ng gob-yerno ang socio-economic package na ipagkakaloob sa mga combatant bilang ayuda sa kanilang pagbabalik sa buhay si-bilyan.

Sinabi ni Mohagher Iqbal, chief negotiator ng MILF sa peace process, itinuturing nilang pinakamalaking sakripisyo ang pagsusuko ng mga armas. Gayonman, handa aniya itong gawin ng MILF tanda ng katapatan sa prosesong-pangkapayapaan.

“To the MILF, decommissioning is not only an emotional issue; it is an ultimate sacrifice. It is so sensitive that almost a taboo to discuss,” paha-yag ni Iqbal.

“But there is no other way. There is no escaping the decommissioning of MILF weapons and combatants.”

Sa mga nagdududa na maisusuko lahat ng MILF ang mga armas nito, sinabi ni Ferrer na magkalapit ang bilang ng mga armas na sinabi ng mga Moro sa bilang ng sa Sandatahang Lakas.

Pagkanlong kina Marwan, Usman itinanggi ng MILF

KUALA LUMPUR, Malaysia – Tahasang itinanggi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa pag-iingat o kustodiya nila noon si Marwan na napatay sa Mamasapano operation, gayondin si Basit Usman na nakatakas.

Sinabi ni Mohager Iqbal, chairman ng MILF Peace Panel, batay sa sirkumstansya, lumalabas na wala sa kanilang teritoryo si Marwan kundi nasa pag-iingat at proteksyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa account ng survivors na miyembro ng PNP-Special Action Force,  pinagsanib  na  puwersa ng MILF, BIFF at Abu Sayyaf ang kanilang nakalaban nang lusubin ang bahay ni Marwan.

Kasabay nito, iginiit ni Iqbal na hintayin na lamang ang resulta ng im-bestigasyon ng binuong Board of Inquiry (BI) at ng International Monitoring Team (IMT).

“I don’t want to sound philosophical. But we can not give (up) what is not in our possession,” ani Iqbal.

43 allies na aatras sa BBL ‘di pa kakausapin ni PNoy

WALA pang balak si Pa -ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III na personal na kausapin ang mga kaalyadong mambabatas para huwag ituloy ang binabalak na pag-atras ng suporta sa Bangsamoro Basic Law makaraan ang Mamasapano massacre.

Magugunitang mayroon 43 administration allies ang nagbantang iwi-withdraw o iaatras ang kanilang suporta para sa Bangsamoro Basic Law (BBL) bukod kina Sens. Alan Cayetano at JV Bautista na una nang umatras.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, wala pang napag-uusapang meeting sa Congress allies ngunit handa ang pamahalaan na makipag-ugnayan sa lahat ng sektor, dinggin ang mga suhestiyon at makipagtalakayan sa kanila para magkaroon nang mas malawak at malalim na pagkakaunawaan sa mahalagang usapin.

Ayon kay Coloma, kaya sa mensahe ni Pa-ngulong Aquino, kanyang ipinaalala ang kahalagahang patuloy na magtrabaho tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan dahil walang napapalang mabuti sa digmaan.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *