Monday , December 23 2024

Pinansiyal na tulong sa naulila ng SAF commandos bumuhos

SAF 44 orphansBUMUHOS ang pinansyal na ayuda sa mga naulilang kaanak ng mga miyembro ng Special Action Forces (SAF) na namatay sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Nagdala ng donasyon si dating senador at dating PNP chief Panfilo Lacson pasado 7 p.m. nitong Biyernes sa Camp Bagong Diwa.

Ayon sa isang SAF officer, dala niya ang nalikom na pondo mula sa mga kaibigang negosyante at PNP Foundation na pinamumunuan niya.

Makatatanggap ng tig-P300,000 ang naiwang pamilya ng mga namatay habang P150,000 ang ibibigay sa 15 nasaktan sa Mamasapano.

Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, mamadaliin na ang death benefits na makukuha ng mga naulila mula sa Pag-IBIG.

Habang nangako rin si Manila Mayor Joseph Estrada ng tulong pinansyal.

Magbibigay rin ang Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMA-AAI) ng P220,000 para sa tinaguriang “Fallen 44.”

Samantala, magbibigay ng tig-P10,000 ang mga mambabatas alinsunod sa inilabas na resolusyon ng Kamara para sa financial assistance ng mga kaanak ng mga namatay.

Walang loyalty check sa PNP — Malacañang

WALANG isasagawang loyalty check ang Malacañang sa hanay ng pulisya, sa kabila ng bantang mass leave dahil sa pagkamatay ng 44 tauhan ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang pagtitiyak ni Communication Sec. Sonny Coloma, dahil mas abala aniya ang Palasyo sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima ng insidente.

Payo niya sa mga nagpapalutang ng mass leave issue, tumulong na lang sa pag-alalay sa mga naulila ng 44 pulis at huwag nang maging dahilan ng pagkakawatak-watak.

Dapat din aniyang malaman ng lahat na ang ano mang negotibong aksyon ay magpapahina sa pwersa ng gobyerno para sa paglaban sa kampanya kontra sa terorismo.

Board of inquiry ng PNP may conflict of interest — solon

WALANG tiwala si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa binuong Board of Inquiry ng Philippine National Police (PNP) na tututok sa imbestigasyon ng madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF).

Inihayag ng kongresista, mas mapagkatiwalaan pa ang pagbuo ng isang independent commission na walang conflict of interest sa serbisyo ng gobyerno.

Ayon sa opisyal, imposibleng gawin ng SAF members ang operasyon kung walang malalaking opisyal na nag-utos sa kanila base na rin sa una nang paghugas-kamay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa kanyang national address.

Dagdag ni Colmenares, parang ibinabala lamang sa kanyon ng pangulo at ng suspendidong si PNP chief Alan Purisima ang mga biktima kung kaya’t marapat lang na hindi na ibalik sa puwesto si Purisima sakaling matapos na ang kanyang suspension order.

Dahil dito kailangan lang na matumbok ang mga nagpalabas ng kautusan at malaman kung kaninong kampo ang lumabag sa peace deal upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Duda rin si Colmenares na makamit ng mga kaanak ng mga SAF commandos ang hustisya dahil sa hindi maayos na sistema ng hustiya sa ating bansa na pangunahing halimbawa ang kawalang katarungan sa mga biktima ng Maguindanao massacre. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *