Monday , December 23 2024

P28-M danyos sa CdO Justice Hall fire (2 missing)

CDO hall of justiceCAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa pagkasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes Street, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Ito’y makaraan umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nabing tanggapan ng gobyerno.

Inihayag ni BFP District Fire Marshall Supt Shirley Teleron, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na electrical short circuit ang isa sa posibleng dahilan sa pagsiklab ng apoy.

Sinabi ni Teleron, patuloy nilang inaalam ang ulat na may dalawa katao ang ‘missing’ makaraan ang malaking sunog.

Kaugnay nito, inihayag ni Chief City Prosecutor Fidel Macauyag, labis ang kanilang pagkabahala ukol sa mga kontrobersyal na kaso lalo na ang extra judicial killings na ang mga biktima ay sina Maria Erica Yabut, Roland at Harold Jamaca, habang apat na pulis at isang abogado ang mga akusado noong Disyembre 2014.

Una nang nakitang nagsimula ang apoy sa mismong tanggapan ni Regional State Prosecutor Jaime Umpa na hawak ang Jamaca-Yabut murder case.

Napag-alaman, kahina-hinala ang nangyaring sunog dahil namataan na nagsimula ito sa una at pangalawang palapag ng gusali kaya mayroong nagdududa na sinadya ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *