Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot tinusok ng ka-jamming sa shabu

090814 knifeKRITIKAL sa pagamutan  ang isang 34-anyos lalaki makaraan saksakin ng kanyang ka-jamming sa shabu nang matanaw na kahalikan ng biktima ang kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Navotas City.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Segundino Dacoycoy, 34, ng D. Cruz St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa dibdib at likod.

Habang agad naaresto ang suspek na si Victor Dizon, 34, residente ng A. Cruz St., ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Batay sa ulat ni PO3 Ronnie Garan, dakong 8:30 a.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Nauna rito, magkasama ang biktima at ang suspek sa paggamit ng droga at pagkaraan ay umakyat na sa kanilang bahay si Dizon.

Ngunit natanaw mula sa bintana ng suspek ang kinakasamang si Grace sa ibaba ng bahay na nakikipaghalikan kay Dacoycoy.

Mabilis na bumaba ng bahay ang suspek na armado ng patalim at sinugod ng saksak si Dizon na tinamaan sa dibdib at likod.

Agad naaresto ang suspek makaraan ang insidente habang isinugod ang biktima sa pagamutan.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …