Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kung si Marwan ang napatay, lalong makabuluhan ang sakripisyo ng 44 PNP-SAF members — Roxas

marwan deadIPINADALA na ng pamahalaan sa tanggapan ng Fe-deral Bureau of Investigation (FBI) sa United States ang isang daliri at ilang hibla ng buhok ng napatay na si Zulkifli bin Abdul Hir, alyas Marwan, upang makumpirma kung siya ang Malaysian bomb expert na target ng pagsalakay ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Linggo sa Mamapasano, Maguindanao.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, lalong titingkad ang karangalan ng 44 SAF members na nagsakripisyo ng buhay sa sagupaan sa Maguindanao kapag nagpositibo na si Marwan nga ang napaslang sa naturang insidente.

“Kapag nakumpirma na si Marwan nga ang napatay, hindi nasayang ang pagsasakripisyo ng buhay ng ating mga pulis na napaslang sa Maguindanao,” ayon kay Roxas. “Perhuwisyo sa ating kapayapaan at kaayusan ang tulad ni Marwan na nagtuturo sa paggawa ng bomba sa mga rebeldeng Muslim kaya kapag nagpositibo na siya ang napatay ng PNP-SAF ay makabuluhan ang pagsasakripisyo ng buhay ng ating mga pulis.”

Nabatid na matitiyak sa DNA database ng FBI kung si Marwan nga ang napatay tulad ng ginawa sa bangkay ng dayuhang teroristang si Fathur Rohman Al-Ghozi na napatay ng militar noong Oktubre 12, 2003 sa Pigcauayan, Cotabato.

Tiniyak naman ni Roxas na mananagot ang mga opis-yal na dapat responsable sa operasyong ginawa ng SAF-PNP sa Maguindanao dahil kumikilos na ang Board of Inquiry na naatasang magsiyasat sa nangyaring enkuwentro ng mga pulis at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) katuwang ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Bahagi ito ng policy and procedure ng PNP na ang layunin ay alamin kung ano ang tunay na nangyari sa encounter na ito, sa clash na ito na  44 SAF members ang namatay,” ani Roxas. “Kung meron mang lapses, kung meron mang dapat managot, papanagutin natin.”

Iginiin din ni Roxas na patuloy ang suporta ng PNP sa prosesong pangkapayaan na isinusulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng Bangsamoro Basic Law.

“Tuloy  ang  tiwala  at kompiyansa ng PNP sa peace process na bagaman napakalungkot, matindi ang kapaitan sa pangyayari, ang mas malawak na peace process ay mahalaga at kabahagi ang PNP sa pagsulong ng kasalukuyang peace process,” dagdag ng kalihim.

Sundalong Kano kasamang napaslang sa Mamasapano

ISANG sundalong Amerikano ang sinasabing napatay sa madugong enkwentro ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo.

Ayon sa inilathalang panayam ng alternative news website na www.pinoyweekly.org, sinabi ni Jerome Succor Aba, spokesperson ng Moro human rights group na Suara Bangsamoro, isiniwalat sa kanya ng isang magsasaka sa Brgy. Tukanalipao, Mamaspano na nakakita siya ng bangkay ng isang maputing dayuhang sundalo, ilang minuto matapos ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng tinaguriang SAF 44.

 ”They (civilian residents of Brgy. Tukanalipao) were the first ones to arrive in one of the two areas where the encounters happened,” sabi ni Aba.

Dumating agad aniya ang mga sibilyan sa lugar makaraan umatras ang tropa ng MILF sa Islamic Center sa Sitio Inubog, Brgy. Pembalkan, Mamasapano.

Nahawakan pa aniya ng magsasaka ang ilong ng labi ng puting sundalo.

Ang magsasaka, pati na ang iba pang sibilyan na nagtungo sa erya ay nakakita pa raw ng isang helicopter. Na mabilis na dumating at hinakot ang mga bangkay.

Ilang testigo rin aniya ang nagbigay ng testimonya sa Suara Bangsamoro na nagsasabing ilang bangkay ng pinaniniwalaang sundalong Amerikano ang kanilang nakita sa lugar makalipas ang bakbakan.

Hindi aniya matukoy ng mga saksi ang partikular na military units na kinabibilangan ng pinaniniwalaang tropang Amerikano.

Nauna nang inamin ng US Embassy sa bansa na ang presensiya ng American soldiers sa bansa ay upang tumulong sa pagkuha ng mga bangkay ng mga kasapi ng SAF.

Ipinagbabawal sa 1987 Philippine Constitution, pati na sa PH-US Visiting Forces Agreement,  ang direktang paglahok ng dayuhang tropang sa operasyong militar sa Filipinas.

Rose Novenario 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …