Monday , December 23 2024

4 bigtime drug dealer timbog sa P50-M shabu  

drugsAPAT na bigtimer drug dealer ang naaresto makaraan makompiskahan ng P50 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Senior Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng 144 Reina Regente St., Binondo, Manila; Zhi Gui Wang, 32, Filipino Chinese, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng Cubao, Quezon City; Al-Insan Pangandag, 26, Filipino, tubong Marawi, ng Block 9, Lot 1, Santan St., Dasmarinas, Cavite; at Michelle Permali, Filipino, 30, ng Samuel St., Brgy. Bungad, Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Roberto Razon, hepe ng QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID), nanguna sa operasyon, nadakip ang mga suspek sa Alberia St., malapit sa kanto ng Katipunan St., Brgy. Loyola Heights ng lungsod, sa harap ng Shakey’s Restaurant dakong 7:45 a.m.

Nauna rito, inaresto ang mga suspek makaraan pagbilhan ng isa sa kanila ng dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon, ang pulis na nagpanggap na buyer.

Pagkaraan ay nakompiska rin ang walo pang supot ng shabu na may tig-1 kilo ang timbang sa isang kulay itim na paper bag sa loob ng sasakyang dala ng mga suspek na isang itim na Ford Focus (AAO-7880).

Kabilang din sa nakommpiska ng mga awtoridad ang isang gray Mazda 6 (SXM-908) at silver Toyota Altis (AAX-1689) na dala rin ng mga suspek.

Almar Danguilan

P12-M marijuana binunot  sa Ilocos Sur Plantation

VIGAN CITY – Nagkakahalaga ng P12,486,000 ang fully grown marijuana na binunot ng Philippine National Police (PNP)-Sugpon at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa 6,950 square meter na plantasiyon ng marijuana sa Brgy. Licuangan, Sugpon.

Ayon sa mga awtoridad, umaabot sa 60,600 marijuana plants ang nasamsam sa nasabing plantasyon bukod sa 30 kilogram ng dried marijuana na nakuha rin nila sa nasabing lugar.

Gayonpaman, inaalam pa ng PNP-Sugpon kung sino ang nagmamay-ari ng mga pananim na marijuana.

Ang binunot na mga marijuana ay agad din sinunog ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Dismissed na pulis, 7 pa arestado sa drug raid

ARESTADO ang isang ‘dismissed’ na tauhan ng pulisya at pito pa niyang kasamahan at nakompiskahan ng shabu, baril at sasakyan sa anti-drug operation ng mga awtoridad isang resort Tanay, Rizal kamakalawa.

Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Edwin Erni, OIC- PRO4-A Regional Director, kinilala ang mga nadakip na sina ex-PO2 Jefferson Angeles y Mendoza, nakatira sa Rodriguez, Rizal; Kool Francisco y Agustin, 31; Francis All Castillo y Francisco, 31; Edgardo de Rosas y Morales, 38, kapwa nakatira sa Morong, Rizal; Taffy Quebec y Buenos Aires, 31, ng Cardona, Rizal; Joana Roxas y Tolentino, 35, Emily Francisco y Rico, 32, at Jill Castro y Adriano, 29, pawang nakatira sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Supt. Arthur Masungsong, Antipolo City Police chief, dakong 1:30 a.m. nang magkasanib na salakayin ng Antipolo PNP at Tanay PNP ang Bakasyunan Resort sa Sampaloc Road, Tanay, na ginagawang hang-out drug den ng mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang 10 small plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia, caliber. 38 baril, at Hyundai car na pinaniniwalaang gamit ng mga suspek  sa kanilang mga illegal drugs transaction.

Ed Moreno

38 sachet ng shabu nakompiska sa PNP-AFP site

LA UNION – Isa ang arestado habang patuloy na tinutugis ng Pugo Municipal Police Station ang iba pang mga kasamahan na nakatakas makaraan ang isinagawang drug raid sa construction site ng Philippine National Police – Armed Forces of the Philippines (PNP-AFP) housing sa nabanggit na bayan.

Kinilala ni Senior Insp. Fernando Fernandez, hepe ng Pugo PNP, ang nadakip na si Reden Pagar alyas “Boytik,” 32, construction worker, may asawa at residente ng Brgy. Mawasawas Sur.

Ayon kay Fernandez, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na pot session sa sa Brgy. San Luis kaya agad silang nagresponde.

Nagresulta ito ng pagkakaaresto sa suspek habang nakompiska ang dalawang malalaking sachet at 36 maliliit na sachet ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang inaalam kung saan nanggaling ang mga kontrabando at kung sino-sino pa ang nasa likod nito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *