Monday , December 23 2024

SAF arrival honors deadma kay Pnoy (Inuna pa ang kotse kaysa pakikiramay)

FRONTTINAWAG na “walang puso at habag” ng isang mambabatas si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan dedmahin ang honor ceremony para sa mga bayaning SAF members na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang mga binitiwang salita sa HATAW ni Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap nang isnabin ng Pangulo ang pagsalubong sa mga bayaning pulis na lumapag sa Villamor Airbase.

Imbes dumalo si PNoy sa nasabing parangal, ninais niyang pumunta sa launching ng isang car plant sa Sta. Rosa, Laguna.

Bira rin ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, walang respeto sa kanyang mga tauhan si PNoy na siya pa namang commander-in-chief.

“The president’s absence in today’s ceremony only heightens the people’s disgust in this spineless leader who let his own men go to battle for the sake of his own vanity, only to disown the whole plan and deny accountability in the end,” upak ni Rep. Ridon.

Tinawag naman ni Rep. Luz Ilagan si PNoy na ibang klaseng presidente dahil mas mahalaga pa raw sa kanya ang kotse kaysa tao, mas mahalaga ang kabarilan kaysa nabaril at mas inuna ang hobby kaysa duty. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *