Sunday , December 22 2024

Naulila ng PNP-SAF ipinanghingi ng abuloy ng DSWD

DSWD SAFMAKATUWIRAN para sa Palasyo na ipanghingi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng abuloy ang mga naulilang pamilya ng 44 miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang matatanggap na donasyon ng DSWD sa binuksan nilang bank account ay ibibigay sa mga pamilya ng napatay na mga pulis sa Mamasapano.

“Sila ang may mandato na gampanan ang tungkulin ng pagbibigay kalinga sa mga pamilya at bahagi naman sila ng iisang pambansang pamahalaan. Wala namang dapat ikabahala sa pag-hahati-hati ng tungkulin,” tugon ni Coloma nang usisain kung bakit sa DSWD at hindi sa PNP ibibigay ng publiko ang donasyon para sa pamilya ng mga pulis.

Sa kanyang President’s Message to the Nation kamakalawa ay umapela ang Pangulo sa publiko na magbigay ng tulong sa mga naulilang pamilya ng mga tinawag niyang mga bayaning pulis na nagbuwis ng buhay para sa serbisyo sa bansa.

“I also take the opportunity to appeal to the public: If possible let us extend our utmost support to the bereaved, and maximize the help we can give to the families of those who fell, in recognition of the valor of these heroes who gave their lives for the realization of the peace we have long desired,”aniya.

Makaraan ang pahayag ng Pangulo ay mabilis na nagbukas ng bank account ang DSWD para sa abuloy, na Landbank of the Philippines (LBP) Account Name: “DSWD-Armed Conflict Mamasapano, Maguindanao” LBP Current Account Number (CA) No.: 3122-1026-28.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *