Monday , December 23 2024

Makati City Mayor Junjun Binay inaresto

binayjunjunINARESTO si Makati City Mayor Junjun Binay kahapon, tatlong araw makaraan i-cite siya ng contempt ng Senado, at ang iba pang mga opisyal ng lungsod dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig kaugnay sa mga iregularidad.

Dumating si Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia Jr., sa Makati City Hall main building dakong 9 a.m. para isilbi ang arrest warrant laban kay Binay. Naghintay siya nang mahigit isang oras sa extension room ng Treasurer’s Office sa ground floor sa abogado ni Binay para i-acknowledge ang arrest order.

“Uulitin ko po, prinsipyo na pinag-uusapan natin dito,” pahayag ni Binay.

Kasama si dating senador Rene Saguisag, umalis ng lungsod si Binay lulan ng kanyang official vehicle patungo sa Senado sa Pasay City dakong 10:15 p.m.

Sinamahan din si Binay nina United Nationalist Alliance interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco, at Cavite Gov. Juanito Victor Remulla sa pagtungo ng alkalde sa Senado.

Umalis ang convoy ng alkalde patungo sa Senado dakong 10:15 a.m.

Junjun binitbit sa Senate Hearing

NAGKAROON ng tensiyon sa pagharap sa Senado ni Makati Mayor Junjun Binay makaraan arestohin ng Senate sgt-at-arms kasunod ng ipinataw na contempt order bunsod ng patuloy na pang-iisnab sa imbestigasyon ng kapulungan hinggil sa isyu ng korupsiyon sa Lungsod ng Makati.

Dakong 10:30 a.m. nang dumating si Binay sa Senado kasama ng ipinaaresto ring sina Makati City Administrator Eleno Mendoza at dating City Administrator Majorie De Veyra makaraan isilbi ang warrant of arrest.

Nang makulong na si Binay at kasamahan sa detention cell ng Senado, nagmatigas pa rin siyang dumalo sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senate blue ribbon comittee dahil nalalabag na raw ang kanyang karapatan sa aniya’y hindi patas na imbestigasyon ng kapulungan.

At dahil tila walang balak na humarap ang alkalde, dito na nag-motion si Sen. Antonio Trillanes IV na ipag-utos sa Senate Sgt. At Arms na si Binay ay iharap sa komite, bagay na pinagtibay ng chairman na si Sen. Koko Pimentel dahilan upang bitbitin ang nagmamatigas na alkalde papuntang plenaryo.

Dito tila biglang nagbago ang ihip ng hangin nang idineklara ni committee chairman Pimentel na maaari nang makalaya ang alkalde at dalawang kasamahan.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *