Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arrival honors sa PNP-SAF wala sa esked ni Pnoy (Depensa ng Palasyo)

PNOY MITSUBISHIBINIGYANG-DIIN ni Comunications Secretary Herminio Coloma Jr., walang katotohanan ang paratang kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon na mas inuna pa ang pagdalo sa inagurasyon ng bagong planta ng Mitsubishi Motors Corporation sa Sta. Rosa, Laguna, kaysa salubungin ang bangkay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) mula sa Mamasapano, Maguindanao.

“Wala pong ganoong kaganapan, ‘yung ‘mas pinili.’ Talaga pong wala sa kanyang schedule ‘yan,” ani Coloma.

Paliwanag ni Coloma, nailatag na ang mga kaganapan para sa National Day of Mourning ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City at pamumunuan ni Pangulong Aquino ang luksang parangal para sa mga namatay na kasapi ng SAF.

Giit ni Coloma, naipahayag na ng Pangulo ang kanyang buong pusong pakikidalamhati sa President’s Message to the Nation kamakalawa kaya nga nagdeklara siya ng National Day of Mourning.

Batay sa ulat, inaasahan ng mga opisyal ng PNP ang pagsalubong ng Pangulo sa labi ng mga pulis na tinawag niyang mga bayani kamakalawa ng gabi.

Inulan ng batikos si Pangulong Aquino mula sa netizens na kumuwestiyon sa kanyang desisyon na makipag-kiskisang-siko sa mga negosyante imbes makiramay sa mga naulilang pamilya ng mga pulis.

Sinabi ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, ang pasya ni Aquino na bisitahin ang planta ng kotse ay nagpakita ng kawalan ng respeto ng Commander-in-chief sa kanyang mga tauhan.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …