Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkuha ng kargamento sa POM paspasan (Panawagan sa negosyante)

110414 port of subicNAWAGAN ang Palasyo sa mga negosyante na paspasan ang pagkuha sa kanilang mga kargamento sa Port of Manila bago ang Pista ng Poong Nazareno sa Biyernes at pagdating ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15.

Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras, ang naturang mahahalagang okasyon ay maka-aapekto sa daloy ng mga kargamento sa pantalan.

“On Friday, we have the Feast of Poong Nazareno po where we know na hindi na naman po makakagalaw ‘yung mga trucks or anyone into the area, especially ‘pag simula na po ‘yung procession. And then, we have—next week, we have a very important visitor and we expect that as early as Friday there will again be a disruption on the flow of traffic and goods,” ani Almendras sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Hinimok niya ang mga negosyante na madaliin ang paghakot sa kanilang mga kargamento sa pier, lalo na ngayon, Huwebes, Sabado hanggang sa Miyerkoles sa susunod na linggo na normal naman ang operasyon sa pantalan.

Ang mga araw naman na hindi makabibiyahe ang mga truck ay gagamitin ang mga barko sa paghahakot ng empty containers.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …