Saturday , November 23 2024

Bilibid ireporma — Trillanes (Eskandalo imbestigahan)

trillanes bilibidNAGHAIN si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng resolusyon upang tingnan ang  kasalukuyang sistema ng mga bilangguan sa bansa na sinasabing  nagbigay daan upang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa high-profile inmates at sa mga illegal nilang gawain sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

“Malinaw na lumabag ang mga kawani ng NBP sa kanilang mandato nang hinayaan nila ang pagpapasok ng mga ilegal na gamit at ang konstruksyon ng mararangyang kubol sa loob ng NBP,” ayon kay Trillanes.

Noong Disyembre 15, 19 at 22, 2014, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Department of Justice Secretary Leila De Lima, kasama ang ilang operatiba ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI), sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP, na kinapipiitan ng convicted drug lords at notorious robbery gang leaders.

Nabunyag sa nasabing inspeksyon ang mga nakagugulat na gawain at kagamitan sa loob ng bilangguan. Lumalabas na patuloy na nagkakaroon ng palitan ng droga sa loob ng NBP at natagpuan din ng mga operatiba ang mararangyang detention area o mga ‘kubol’ ng mga preso, na may ‘di pangkaraniwang pasilidad tulad ng jacuzzi, sauna, bath tub, music studio, generator, split-type air-conditioning units, Wi-Fi, game console, conference table, private gym, at bar. May mga nakita ring ipinagbabawal na gamit, tulad ng mga mamahaling relo (diamond-studded Patek Philippe, Rolex, Cartier at Officine Panerai), isang Louis Vuitton cash box, ilang bote ng mamahaling alak, isang life-size sex doll, wide-screen na telebisyon, cell phones, money-counting machines, laptops, projector at ilan pang kasangkapan.

Higit pa rito, nasamsam din ang bulumbon ng salapi na aabot sa P2 milyon, ilang armas na nakapangalan sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno, at hindi matukoy na dami ng shabu.

Sa isang hiwalay na insidente, ilang araw matapos ang mga nasabing inspeksyon, isang 8-anyos batang babae ang nakitang walang saplot at walang malay sa loob ng maximum security compound ng NBP na umano’y tinangkang gahasain ng isang preso na nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution No. 1088, sinabi ni Trillanes na isa sa mga kahinaan ng Philippine Judicial system ang depektibong sistema ng bilangguan sa bansa, at bilang unang hakbang sa pagsasaayos nito, mahalagang matukoy at panagutin ang mga kawani ng NBP at mga kasangkot na opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa paglaganap ng mga ipinuslit na gamit sa loob ng kulungan, at ang mga kawani ng Bureau of Corrections na nagpapabaya sa kanilang tungkulin na pigilan ang mga preso sa paggawa ng krimen habang nasa kanilang kustodiya.

Nauna nang inihain ni Trillanes ang Senate Bill No. 793 na naglalayong pag-isahin ang jail system ng bansa upang maisaayos ang umiiral na sistema. Isa sa mga pangunahing layunin nito ay maiwasan ang pagiging malapit ng mga kawani ng mga bilangguan sa mga preso, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng peryodikong pagpapalitan ng mga kawani sa buong bansa.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *