Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

9-anyos patay sa crossfire sa Maguindanao

082914 dead babyCOTABATO CITY – Binawian ng buhay ang isang 9-anyos batang babae nang tamaan ng ligaw na bala sa lalawigan ng Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si alyas Meme, residente ng Brgy. Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao.

Ayon kay Parang chief of police, Senior Insp Ganny Miro, nagsagawa sila ng operasyon laban sa most wanted criminal na si Cader Dagadas ngunit bago sila makarating sa lugar ay pinaputukan na sila ng mga suspek.

Tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.

Agad tumakas ang grupo ni Dagadas nang matunugan ang karagdagang pwersa ng mga pulis at sundalo.

Nakahandusay ang biktima at duguan nang matagpuang walang buhay malapit sa bahay ni Dagadas.

Pinaiimbestigahan na ni Parang Mayor Dr. Ibrahim Ibay ang sinapit ng biktima.

Tiniyak din niya ang tulong na ibibigay para sa pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …