Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

15-M deboto dadagsa sa pista ng Black Nazarene

black nazareneINAASAHANG aabot sa 15 milyong deboto ang dadagsa sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Puspusan na ang pag-aayos sa Quirino Grandstand para sa pagdating ng Santo Papa at sa pahalik sa Pista ng Poong Nazareno. Doon din magsisimula ang traslacion.

Bukod sa orihinal na imahen, isang replika ang ilalagay sa Quirino Grandstand para sa pahalik.

Maaari ring pumunta ang mga sa deboto sa iba pang diocese na may replika ng imahen ng Black Nazarene.

Sa Huwebes hanggang Biyernes, may vigil mass sa Quirino Grandstand, at pagpatak ng 5 a.m. sa mismong araw ng kapistahan sa Biyernes, magmimisa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bago ang traslacion.

Tulad noong nakaraang taon ang ruta ng andas. Mula Quirino Grandstand, didiretso sa Katigbak Drive at Padre Burgos, kakaliwa sa Taft Avenue, tatawid sa Jones Bridge at papuntang Escolta.

Tiniyak ng Manila City government na ligtas ang daraanan ng traslacion.

Halos 30,000 ang volunteers para sa kapistahan kasama ang 3,000 medical volunteers at 39 ambulansya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …