Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol na paslit dedbol sa sunog

FRONTPATAY ang magkapatid na paslit nang masunog ang tinitirhan nilang barong-barong sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang magkapatid na sina Princess Apple Sta. Maria, 5, at Anna Marie, 2, kapwa residente sa tabi ng relis sa pagitan ng F. Yuseco at Batangas streets, sa Tondo, sanhi ng 3rd degree burns.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, dakong 2 a.m. nang nagsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima.

Nauna rito, lumabas ang ina ng mga biktima na si Josephine, 34, para bumili ng pagkain ng kanyang mga anak ngunit pagbalik ay nakitang nagliliyab na ang barong-barong

Nabatid na kandila lamang ang gamit na ilaw sa bahay ng mga biktima kaya hinihinalang ito ang dahilan kung bakit nasunog ang kanilang bahay.

Hinala ring mahimbing na natutulog ang mga biktima kaya hindi sila nakalabas ng kanilang bahay.

Ilang residente ang nagtulong-tulong na maapula ang apoy at inilabas ang mga bata saka isinugod sa ospital ngunit dakong 9 a.m. ay ideklarang patay na.

Samantala, isang sunog din ang sumiklab sa Sevilla Street, Binondo, Maynila na umabot sa ikaapat na alarma.

Napag-alaman, sampung bahay ang natupok sa sunog na hindi pa batid ang naging sanhi.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …