Monday , December 23 2024

2 BFF ni PNoy kinasuhan ng plunder

Binay purisimaDALAWANG matagal nang kaibigan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasampahan ng kasong pandarambong sa Ombudsman sa panahon ng kanyang administrasyon.

Sa panayam kay Pangulong Aquino sa programang “Gandang Gabi Vice” ipinakita ng host na si Vice Ganda sa Punong Ehekutibo ang mga larawan ng ilang personalidad, upang ilarawan sa isang salita.

Nang ipakita sa Pangulo ang litrato nina Vice President Jejomar Binay, isang “long-time friend” ang sabi niya sabay kwento na nagkasama sila sa August 21 Movement (ATOM) makaraan ang asasinasyon sa kanyang ama na si Sen. Ninoy Aquino noong 1983.

Si Binay ay sinampahan ng mga kasong plunder bunsod ng sinasabing overpriced Makati City Parking Building at Makati Science High School at iniimbestigahan din sa Senado dahil sa sinasabing pagkasangkot sa korapsiyon sa mahigit 28 taon pamumuno ng kanyang pamilya sa Makati City.

Habang isang “good cop” ang taguri ng Pangulo nang makita ang larawan ni PNP chief Director General Alan Purisima na sinuspinde ng anim buwan ng Ombudsman sanhi ng kasong plunder kaugnay sa maanomalyang kontratang pinasok ng PNP sa Werfast courier agency na magde-deliver ng door-do-door ng  firearm license sa gun owners.

Ayon sa Pangulo, si Interior Secretary Mar Roxas ay “masipag’, si BIR Commissioner Kim Henares ay “maraming natatakot,” DSWD Secretary Dinky Soliman ay “maasahan,” si Mir-iam Defensor-Santiago ay “combative”, si Justice Secretary Leila de Lima at si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ay itinutuloy aniya ang mga naiwang trabaho ng kanyang namayapang esposo.

Habang “successful” ang sinabi ng Pangulo sa TV personality na si Grace Lee at sa stylist na si Liz Uy.

Inamin ng Pangulo na naging “girlfriend’ niya si Lee.

Kaugnay nito, ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang mga negatibong komento ng netizens sa nasabing panayam.

“I think if you look at the interview itself it was not meant to be a serious interview,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

“Vice Ganda brought up the lighter side of the President and it was positive and I think people came to empathize with the President on the daily routine on the burdens of government and we certainly hope that it showed that the President after all has — is not always serious,” dagdag pa niya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *