Monday , December 23 2024

Pagbisita ni Pope Francis, malaking hamon sa seguridad — Roxas

121314 pope francisINAMIN ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na malaking hamon sa seguridad ang limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas dahil sa malaking bilang ng mga Pilipino na gustong makita nang personal ang Santo Papa.

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas mula Enero 15 hanggang Enero 19 kaya puspusan ang preparasyon ng mga kagawaran ng gobyerno tulad ng DILG at Department of National Defense (DND) na magtatalaga ng dalawang batalyon ng mga puwersang naging peacekeepers ng  United Nations at beterano sa Golan Heights.

Sa Enero 16, magsasadya si Pope Francis sa Malakanyang upang makipagkita kay Pangulong Benigno Aquino III bilang pinuno ng isang bansa na kinakatawan ng Vatican City.

“Napakalaking hamon para sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan ang pagbisita ng ating Santo Papa,” sabi ni Roxas. “Kaya lahat ng kinauukulang ahensiya tulad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nasa lubos na paghahanda ngayon.”

Ipinaalala ni Roxas lalo sa intelligence community na hindi na dapat maulit ang “Oplan Bojinka” o tangkang pagpatay kay Pope John Paul II na isa nang santo ngayon nang dumalaw sa Pilipinas noong 1995.

Natuklasan ang tangkang pagpaslang nang magkasunog sanhi ng kemikal sa isa sa mga kuwarto sa Doña Josefa Apartments sa Malate, Maynila na inuupahan ng mga ekstremistang Muslim sa pangunguna ng teroristang Pakistani-Palestinian  na si Ramzi Yousef.

“Dapat mas doble at matindi ang pagbabantay ng pulisya at militar ngayon  sa nalalapit na pagbisita ni Pope Francis,” dagdag ni Roxas. “Malaki ang maitutulong kung magiging mapagbantay ang lahat ng mamamayan lalo  kung susunod sila sa lahat ng patakaran sa seguridad na ipatutupad ng mga awtoridad.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *