Monday , December 23 2024

TRO ng SC vs LRT/MRT fare hike ‘itinuro’ ng Palasyo

112414 LRT MRTTANGING ang ipalalabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) ang makapipigil sa Department of Transportation and Communication (DoTC) sa pagpapatupad ng taas ng pasahe sa LRT/MRT.

Ayon sa Malacanang, tanging ang korte lamang ang makapagdedesisyon kaugnay sa naka-ambang fare increase.

Magiging epektibo ang pagtaas ng pasahe ng LRT at MRT sa Enero 4, 2015.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kanila nang inaasahan na maraming grupo ang kukwestiyon kaugnay sa bagong fare hike na ipatutupad ng DoTC sa LRT at MRT.

Nakahanda aniya ang pamahalaan sakaling hihilingin ng Supreme Court ang kanilang paliwanag kaugnay sa bagong fare hike.

Giit ni Valte, hihintayin na lamang kung ano ang magiging desisyon ng korte kung magpapalabas ito ng TRO o hindi.

Sa kabilang dako, ipinauubaya ng Malacanang sa DoTC ang pagpapaliwanag kaugnay sa pagtaas ng pasahe ng LRT at MRT.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *