MADARAGDAGAN ng P10,000 ang buwis na aalisin mula sa benepisyo ng mga manggagawa.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang P10,000 bawas buwis ay bunsod nang pag-apruba ni Pangulong Benigno Aquino III sa bagong patakaran hinggil sa karagdagang tax exempt-ions sa mga benepisyong ipinagkakaloob sa mga obrero sa ilalim ng mga collective bargaining agreement (CBA) at productivity incentive schemes.
“Bunga ito nang tuloy-tuloy na pakikipag-dialogo ni Pangulong Aquino sa mga organisasyon ng mga manggagawa nitong taon 2014,” ani Coloma.
Ipatutupad aniya ang bagong patakaran sa Enero 2015 sa pamamagitan ng isang revenue regulation na ipalalabas ng Bureau of Internal Revenue BIR.
Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, ang dagdag na tax exemption sa tinaguriang ‘de minimis’ benefits ay makatuwiran dahil milyon-milyong manggagawa ang mabibiyayaan nito, na kabilang sa mga may pinakamababang antas ng sahod sa hanay ng mga obrero.
Tinatayang aabot sa P104,225 ang total na mga benepisyong magiging tax-exempt[ed] mula sa kasalukuyang P94,225.
Habang mababawasan ng halos P17-bilyon ang hindi makokolektang buwis ng BIR mula sa dagdag na benepisyo.
Rose Novenario