Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 bihag na pulis ng NPA palalayain sa Enero 2015

072814 npa arrestNAKATAKDANG palayain ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kanilang tatlong bihag na miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraan pakawalan ng grupo ang apat na bihag na mga sundalo.

Ayon kay National Democratic Front spokesman Jorge Madlos, nakabase sa Mindanao, plano rin nilang palayain ang tatlong bihag na pulis na sina PO1 Democrito Bondoc Polvorosa, PO1 Marichel Unclara Contemplo, at PO1 Junrie Amper na dinukot ng mga rebeldeng NPA sa Surigao del Norte.

Hindi nabatid kung anong araw sa susunod na buwan planong palayain ng NPA ang tatlong pulis.

Nitong Biyernes, pinalaya ng NPA sina Pfc. Marnel Tagalugon Cinches at Pfc. Jerrel Yorong sa may bahagi ng Malaybalay City sa Bukidnon.

Una nang pinakawalan ng komunistang grupo ang dalawang sundalong Army noong Disyembre 21, na sina Pfc. Alvin Ricarte at Cpl. Benjamin Samano, kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …