Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Broner humihingi ng rematch kay Maidana

122814 maidana broner

PAGKATAPOS matalo si Marcos Maidana kay Floyd Mayweather via unanimous decision sa kanilang rematch kamakailan, nagpapapansin naman si Adrien Broner para sa isa ring rematch kay Maidana.

Matatandaan na noong isang taon ay ipinalasap ni Maidana ang nag-iisang talo ni Broner na kung saan ay dalawang beses na humiga sa lona ang huli para manalo via unanimous decision.

Si Broner ay tinatayang tagapagmana ng trono ni Mayweather dahil sa kopyado nito ang istilo ng huli. Pero dahil sa sumadsad agad kay Maidana, nawala ang gilas ni Broner sa ring.

At dahil nga sa nanalo si Maidana kay Broner ay binigyan ni Mayweather Jr ng pagkakataon ang una na patunayan na kaya niyang gibain ang istilo ng orihinal.

Nabigo si Maidana kay Mayweather ng dalawang beses via decision.

Ngayon nga, nais ni Broner na ibangon ang namantsahang ring record kung kaya hinahamon niya sa isang rematch si Maidana.

Pagkatapos ng pagkatalo ni Broner kay Maidana ay bahagyang nakabangon ang kanyang boxing career nang maglista niya ng dalawang sunod na panalo kontra kay Carlos Molina at Emmanuel Taylor.

“I’m a competitive person and this is the guy that gave me my first lost its only right that I get a rematch….. It’s big money for the both of us and the fans want to see if you can beat me again or maybe I knock your ass out this time,” pahayag ni Broner sa social media.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …