Friday , December 27 2024

Vigan pasok sa New 7 Wonder Cities

120914 viganHINIRANG ang Vigan sa Ilocos Sur bilang isa sa New7Wonder Cities.

Kahanay nito ang mga lungsod ng Beirut sa Lebanon; Doha, Qatar; Durban, South Africa; Havana, Cuba; Kuala Lumpur, Malaysia; at La Paz, Bolivia.

Ayon kay Bernard Weber, founder-president ng New7Wonders, layon ng kampanya na piliin ang pitong syudad sa buong mundo na kakatawan sa “global diversity of urban society.”

“For the first time in human history, more than half of our planet’s population lives in cities and this election emphasises the dramatically challenging character of our changing world,” pahayag ni Weber.

Nagsimula noong Oktubre 2013 ang botohan para sa 28 bansa na kabilang sa Official Finalist Candidates ng patimpalak na sinala mula sa kabuuang 1,200 bansang nominado.

Una nang kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ang Vigan bilang nag-iisang Heritage City ng Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *