MAKARAAN makatakas mula sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf (ASG) ang kidnap victim na Swiss national na si Lorenzo Vinciguera sa probinsiya ng Sulu, inilipad siya kamakalawa ng hapon at dinala sa Swiss Embassy.
Mismong si Swiss Ambassador to the Philippines Ivo Sieber at iba pang opisyal ng Swiss embassy, kasama si AFP Chief General Gregorio Pio Catapang, ang sumalubong kay Vinciguerra.
Sakay sa isang chartered plane ang kidnap victim at dumating bandang 6:20 p.m. kamakalawa.
Makaraan ang turn over, agad dinala ng Swiss Embassy si Vinciguera sa isang hindi mabatid na ospital sa Metro Manila para sa kaukulang medical treatment.