MALAKAS ang kontensiyon ngayong taon ni Gennady Golovkin para talunin ang mga llamadong sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather para sa presitihiyosong Boxer of the Year Award.
Sa pinakahuling on-line voting, kumulekta ng 68.7% votes si Golovkin at ang pinakamalapit sa kanya ay ang boto ni Pacquiao na may 25.3%.
Ang iba pang kandidato para sa prestihiyosong award ay sina Mayweather, Sergey Kovalev, Canelo Alvarez at Terence Crawford.
Matibay na kandidato si Golovkin sa nasabing award dahil naging matagumpay siya sa tatlong title defence niya sa taong 2014. Noong Pebrero ay tinalo niya si Osumanu Adama sa Monte Carlo; noong July 26 ay na-TKO niya ang Aussie boxer na si Daniel Geale sa 3rd round; at ang huling kalaban niya ay Marco Antonio Rubio ng Mexico na pinahiga niya sa lona sa loob lang ng dalawang rounds.
Sa huli namang Ring Poll mula sa RingTV.com ay lamang pa rin si Golovkin na may 42.58%, si Pacquiao ay may 27.56% at si Mayweather ay may 15.90%
Ang susunod na laban ni Golovkin ay mangyayari sa Pebrero 21, 2015 kontra sa British boxer na si Martin Murray sa Monte Carlo, Monaco.