Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak na panganay 9 taon sex slave ng nabiyudong ama (Nang mamatay ang ina)

NATULDUKAN na ang siyam taon kalbaryo ng isang 21-anyos babae na ginawang parausan ng sariling ama makaraan tulungan ang biktima ng mag-asawang naawa sa kanya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad inaresto ng mga opisyal ng Barangay 168 ang suspek na itinago sa pangalang Maeng makaraang isiwalat ng biktima na simula noong 12-anyos pa lamang siya ay ginagawa na siyang parausan ng sariling ama.

Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Jane, 11-anyos siya nang mamatay ang kanyang ina at naiwan siya at apat niyang kapatid na lalaki sa pangangalaga ng ama.

Dahil pangalawa sa panganay, siya ang halos nag-aasikaso sa gawaing bahay hanggang simulan na siyang halayin ng kanyang ama, isang taon makaraan maulila sila sa kanyang ina.

Sa tuwing hahalayin aniya siya ng kanyang ama, pinagbabantaan siya na may mangyayaring masama sa kanya at sa nakababata niyang mga kapatid sa oras na magsumbong siya kaya’t naging tikom ang kanyang bibig.

Nabatid na minsan nang nabuntis ang biktima ngunit ipinalaglag sa utos ng kanyang ama.

Pagkaraan ay pumayag aniya ang ama na mamasukan siya bilang kasambahay sa kondisyon na uuwi siya tuwing gabi at sa bahay nila matutulog.

Dahil maayos ang pakikitungo ng mag-asawa sa biktima, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magsumbong na naging dahilan upang mahuli ang suspek.

Gayonman, pinalaya ng pulisya ang suspek kahapon nang iurong ng biktima ang reklamo sa udyok na rin ng kanyang mga kapatid kapalit nang tuluyang paglayo ng ama at pirmihang manirahan sa kanilang lalawigan sa Camiguin, Tarlac.

Naglabas din ng Permanent Barangay Protection Order ang mga opisyal ng barangay at nakasaad na dadakpin at ikukulong ang suspek sa oras na magtangkang lumapit o muling umuwi sa kanilang bahay sa Block 8, Natividad, Phase 4, Brgy. 168 ng nasabing lungsod.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …