Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robinson bagong coach ng Lyceum

INAASAHANG lilipat na si Topex Robinson sa Lyceum of the Philippines University bilang bagong coach sa NCAA Season 91.

Sa panayam ng www.interaktv.ph, sinabi ni Robinson na sinabihan siya ng pinuno ng Lyceum na si Roberto “Bobby” Laurel tungkol sa kanyang bagong trabaho.

Papalitan ni Robinson si Bonnie Tan na lumipat na sa Globalport sa PBA bilang team manager.

“I was advised to settle my commitments with San Sebastian and we’ve mutually agreed to part ways,” wika ni Robinson. “But I was already told about me taking over as head coach.”

Matatandaan na nagdesisyon si Robinson na umalis sa SSC pagkatapos na pumalpak ang Stags sa NCAA Season 90 dahil sa kartang limang panalo at 13 na talo.

Nagresulta rin ito sa pagkaalis ni CJ Perez sa SSC at ang kanyang paglipat sa Ateneo.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …