Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

College basketball awards mamayang gabi

NAKATAKDANG bigyan ng espesyal na parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sa idaraos na Smart 2014 Collegiate Basketball Awards mamayang gabi ang mga manlalaro at coaches na nagtagumpay ngayong taong ito.

Pangungunahan nina coach Eric Altamirano ng National University at Boyet Fernandez ng San Beda ang Coach of the Year award habang pararangalan naman bilang Collegiate Mythical Team sina Kiefer Ravena ng Ateneo, Earl Scottie Thompson ng University of Perpetual Help, Ola Adeogun ng San Beda, Mac Belo ng Far Eastern University at Jeron Teng ng De La Salle.

Tatanggap din ng parangal sina Anthony Semerad ng San Beda at Alfred Aroga ng NU bilang Pivotal Players, gayundin sina Glenn Khobuntin ng NU, Kyle Pascual ng San Beda at Almond Vosotros ng De La Salle bilang Super Senior.

Kasama rin sa mga pararangalan sina Troy Rosario ng NU bilang Breakthrough Player, Jiovani Jalalon ng Arellano University at Gelo Alolino ng NU bilang mga Impact Players at Baser Amer ng San Beda bilang ACCEL Court General.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …