Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samboy Lim comatose sa ICU

113014 SAMBOY LIMKASALUKUYANG comatose sa ICU ng Medical City ang kilalang PBA legend Avelino ‘Samboy’ Lim makaraang mag-collapse habang naglalaro sa legends basketball match sa Ynares Arena sa Pasig City nitong Biyernes, Nobyembre 28.

Naglalaro pa lang ng ilang minuto ang kinilalang ‘Skywalker’ ng San Miguel Beermen nang magreklamo sa pamamanhid ng kanyang braso. Kasunod nito’y bumagsak na ito at nawalan ng malay kaya dagliang isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa kasamang PBA great Nelson Asaytono, nag-uunat ng kanyang katawan si Lim, 53, matapos na ilabas sa laro nang siya’y mag-collapse.

Naging emosyonal naman si Kenneth Duremdes, dating Most Valuable Player ng PBA at isa sa 25 Greatest Players ng liga, nang malaman ang nangyari kay Lim, na ngayon ay comatose sa Medical City.

Nagsasagawa ng vigil ang mga kasamahan ng PBA legend para sa madaling recovery nito.

“I’m devastated. Kasama dapat ako riyan,” ani Duremdes sa kanyang text message sa media.

“Kasama dapat ako diyan sa Legends Game kaso may pocket tournament kami ng Adamson dito sa Tagaloan, Cagayan de Orom” dagdag niya.

Sinabi rin ng 1998 PBA MVP at kasalukuyang head coach ng Adamson Falcons sa UAAP na lumaki siyang iniidolo ‘Ang Skywalker’ at sa katunayan ay naka-bonding niya ito bilang bahagi ng PBA Legends Tour dalawang taon ang nakalipas.

“Roommate kasi kami nung 2012,” ani Duremdes.

Nagsimula si Lim sa paglalaro ng basketball sa Letran Knights at Northern Consolidated Cement national team bago napasama sa San Miguel Beer sa PBA noong 1986. Kinilala siya bilang ‘Skywalker’ dahil sa kanyang abilidad na lumundag na animo’y lumilipad sa alapaap. Pinangalanan siya bilang isa sa 25 Greatest Players List ng PBA noong silver anniversary ng liga taon 2000.

Ilan sa mga nakasabay ni Lim sa pagsikat sa basketball sina Allan Cai-dic, Hector Calma, at ang iba pang mga manlalaro ng San Miguel Beermen.

Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …

Arrest Posas Handcuff

Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 …

PNP Nartatez P1.5B unregistered tobacco

₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas

Isang Malaking Operasyon sa Simula ng Taon Hindi nagkataon ang ₱1.5 bilyong pagkakasamsam ng mga …

Goitia BBM WPS China

Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas

Lumang Mensahe, Ibinenta Bilang Bago Ang pagtatangkang ipinta ng Tsina ang kontrol nito sa Scarborough …