UUTANG ang gobyerno ng P300 bilyon sa susunod na taon para idagdag sa P2.6 trilyon General Appropriations Act (GAA) o national budget sa 2015.
Nilinaw ng Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate Finance Committee, hindi uutangin ang nasabing halaga sa International Monetary Fund (IMF) at ang economic managers na ang magdedesisyon kung saan kukunin ang budget.
Kaugnay nito, plano na utangin ang 80% ng P300 bilyon sa domestic loans habang ang 20% ay foreign denominators loans.