Monday , December 23 2024

Maserati inabandona ni Ingco sa condo

INABANDONA ni Joseph Russel A. Ingco ang Maserati Ghibli sportscar sa kanyang tirahan sa Valencia Towers condominium sa Quezon City.

Si Ingco ang suspek na nag-dirty finger, kumaladkad at bumugbog sa traffic constable na si Jorbe Adriatico makaraan siyang sitahin sa traffic violation sa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue nitong Huwebes.

Sa larawan na ipinadala ng isang homeowner sa Valencia Towers condominium sa Quezon City, makikita ang kulay asul na Maserati Ghibli sportscar na may car cover pa.

Iniangat ang car cover at makikita ang sasakyan na walang plaka ngunit may conduction sticker na QQ-0057.

Habang kinompirma ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, na ang Maserati na nakaparada sa Parking A ng Valencia Towers ay pagmamay-ari at minamaneho ni Ingco.

Magdamag na binantayan ng mga tauhan ng QCPD at PNP Highway Patrol Group ang condo sa N. Domingo Street, Brgy. Valencia, Quezon City.

Una rito, napag-alaman na si Ingco ay residente ng Valencia Hills, New Manila, QC.

Ngunit nang puntahan ang Unit 1502 sa condominium, wala na si Ingco at posibleng iniwan lamang ang sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *