KINONDENA at pinagbibitiw ng Al-yansa ng mga Tagapagtanggol ng Wilang Filipino (Tanggol Wika) ang chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa teknikal na ‘pagpaslang’ sa Filipino subjects sa bagong General Education Curriculum (GEC).
Sinabi ng Tanggol Wika, tatlong araw bago ang kaarawan ni Andres Bonifacio, nakalulungkot na mas pinili ng CHED na “ikadena” ang education system, sa pamamagitan ng kanilang paninindigang anti-Filipino at iginiit na hindi nila babaguhin ang mga probisyon ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, maka-raan balewalain ang isyu sa nakaraang apat na buwan.
Anila, teknikal na ‘pinapaslang’ ng CHED ang Filipino Departments sa lahat ng kolehiyo at uni-bersidad sa pamamagitan ng pagtangging isama ang Filipino subjects sa GEC, kaya lumalabas na puro dakdak lang at hindi ginagawa ang opsiyon na gamitin ang Filipino bilang daluyan ng pagtuturo. Tanong ng grupo, kung wala na ang Filipino Departments, paano isusulong ng CHED ang kanilang planong intellectualization ng Filipino.
Sa ‘pagpaslang’ sa Filipino subjects, paano anila lalawak ang paggamit ng national language bilang medium of instructions.
“CHD’s statement is riddled with irony, hypocrisy and doublespeak. It never addressed any of the points/arguments raised by the Tanggol ng Wika and its affiliates in countless petition and position papers,” anila.
Bunsod nito, nanawagan ang grupo para sa agad na pagbibitiw sa puwesto ni CHED Chairperson Patricia Licuanan dahil bigong tugunan ang kanyang tungkulin na protektahan ang interes at kapakanan ng mga guro at ng publiko.
“We, the president’s ‘bosses,’ challenge Noynoy Aquino, to immediately fire Licuanan as CHED chairperson, and reverse CHED’s anti-Filipino decision,” giit ng Tanggol Wika.
Maghahain ang Tanggol Wika ng petisyon sa Supreme Court para sa pagpapatigil ng pagpa-patupad ng anila’y anti-Filipino, anti-nationalist, anti-labor, at anti-constitutional na CMO No. 20, Series of 2013 ng CHED.