Monday , December 23 2024

CJ Sereno ‘wag ipokrito DQ vs Erap desisyonan (Banat ng KKK, MAC, CoWAC, KMP)

SUMUGOD sa harap ng Quezon City hall ang mga residente ng Maynila para igiit kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pabilisin ang pagresolba sa disqualification case na isinampa ni Atty. Alice Vidal laban sa napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Lumusob ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK), Coalition of Women Against Corruption (CoWAC), at Movement Against Corruptions (MAC) sa harap ng Quezon City hall makaraan mabatid na tutungo sa lugar si Chief Justice Sereno upang pangunahan ang paglulunsad ng Justice Zone na isa sa mga proyekto ng Justice Sector Coordinating Council(JSSC).

Ayon kay Ka Andoy Crispino, Secretary General ng grupong KKKK, kung nagagawa ni CJ Sereno ang pagtutok sa Justice Zone upang mapabilis ang pag-usad ng kaso sa mga hukuman, dapat niyang unahin ang mabagal na pagdedesisyon ng Korte Suprema sa mga kasong naisampa sa kanila laban sa mga maimpluwensyang tao sa lipunan.

“Hindi na kailangan pang lumayo ni CJ Sereno, sa sarili lamang niyang bakuran ay santambak na ang kaso na hindi pa nadedesisyonan, gaya ng lamang sa disqualification case ni Estrada, na Enero pa ng 2013 na isampa pero hanggang ngayon wala pa rin desisyon ang Kataastaasang Hukuman,” pahayag ni Ka Andoy.

Matatandaan, sinampahan ni Atty. Alice Vidal ng disqualifi-cation case si Estrada bago mag-election noong taon 2013.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *