BINIRA ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga dumidepensa sa 2015 national bugdet makaraan niyang isiwalat na taglay pa rin ang pork barrel-like funds at kwestyonableng definition ng “savings”.
Ani Santiago, habang iginigiit ni Budget Sec. Butch Abad na walang pork barrel sa proposed budget ay kinompirma ng kalihim na nagsagawa sila ng consultations sa mga mambabatas para tukuyin ang kanilang napiling proyekto bago pagtibayin ang pambansang pondo.
Muling iginiit ni Santiago na unconstitutional ang definition ng Malacanang sa “savings” na nagpapahintulot sa pamahalaan na ideklarang savings ang pondo “at any time”.
Iginiit ng Kamara na binura na nila ang naturang probisyon sa panukalang pondo ngunit ayon kay Santiago, nananatili pa rin ito.
Cynthia Martin / Niño Aclan