Friday , November 15 2024

P8.09-B ipinagkaloob ng gobyerno sa Tacloban rehab

050814 lacson yolandaUmabot na sa P8.09 bil-yon pondo para sa iba’t ibang rehabilitation at recovery programs, mga proyekto at iba pang mga gawain ang naipagkaloob ng pamahalaan sa Tacloban City.

Mula sa kabuuang halaga, inilaan ang P3B para sa mga proyektong impraestruktura; P367.44M para sa social services; P4.01B para sa resettlement; at P714.73M para sa livelihood assistance.

“Based on these fi-gures, Tacloban City has received the most funding support from the National Government for its rehabilitation needs,” ani Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Secretary Panfilo M. Lacson.

Nangangahulugang umabot na sa kalahati ang P8.09B pondo sa hinihiling ng Tacloban para sa naaprobahang kabuuang funding requirement na P15.73B. Mula sa nasabing pondo, maraming proyekto ang ginagawa o natapos kabilang ang pagsasaayos ng Tacloban Base Port at Daniel Romualdez Airport na makokompleto bago matapos ang taon 2014. Inaayos na rin ang City Hall, Civic Center at Public Market na pinondohan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nagsimula na rin mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng PARR ng tinatawag na Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga naapektohang pa-milya na nawasak nang bahagya o lubusan ang kanilang mga bahay sa mga ligtas na lugar sa Tacloban City at umabot ang distribusyon ng ESA sa P315.55M.

Kabilang naman sa mga ayudang pangkabuhayan ang Cash for Building Livelihood Assets (CBLA) assistance para sa 9,725 pamil-ya; Department of Labor and Employment’s (DOLE) employment program para sa 1,151 benepisyaryo; at repair o pagpalit ng mga nasi-rang bangka para sa 547 mangingisda.

Napondohan na rin ang mga tinatarget na 14,433 permanent housing units na umabot na sa P4.01B. Base sa pinakahuling datos, nasa 1,124 housing units ang nakompleto at 5,526 pa ang nilalayong matapos sa dara-ting na 2015.

Kung pagbabasehan ang isinumiteng ulat ng Tacloban City nitong Mayo 22, umabot sa P7B ang kabuuang halaga ng napinsala sa lungsod habang naitala ang total rehabilitation at recovery funding sa P15.73B. Dulot ng komprehensibong pagkilos ng pa-mahalaan, natiyak na matutugunan ng pambansang pamahalaan ang pag-unlad ng mga naapektohang lugar ng super bagyong Yolanda upang makabawi sa anomang pinsalang sanhi ng kalamidad dahil na rin sa prinsipyong “building back better.”

“Most of the funds are coursed through implementing agencies such as the National Housing Authority (NHA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Trade and Industry (DTI) and DSWD. As PARR, my focus now is to exercise my oversight functions during the implementation stage and ensure that the rehabilitation projects are delivered efficiently and timely for the benefit of the people,” anang dating senador. “Tacloban is only one of the 171 cities and municipalities directly affected by Yolanda.  We are ensuring that all areas in the Yolanda corridor will get the assistance they need.”

About hataw tabloid

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *