sa ikatlo at huling pagbasa ang P2.6 trillion 2015 national budget kamakalawa ng gabi
Naaprobahan ito sa pamamagitan ng boto mula sa mga senador na 13-0.
Iprinesenta ng mga senador ang amendments sa budget measure, House Bill No. 4968, kasama na ang karagdagang realignments na aabot sa P4.756 billion.
Ang major amendments ng mga senador ay kinabibilangan ng P53.9 billion na magagamit sa Metro Rail Transit (MRT), alokasyon ng P30 billion sa unprogrammed funds at P20 billion sa programmed funds para sa rehabilitasyon.
Sinabi ni Sen Chiz Escudero, finance committee chair, nagkaroon ng P96.577 bilyon realign fund.
Kabilang sa mga nagkaroon ng dagdag sa budget angNational Commission on Culture and Arts (NCCA) na P56.5M; Philippine Drugs Enforcement Agency, P18 milyon; Philippine Commission on Women, P3 milyon; at Judiciary, P1.5 milyon.
Ang pinakamalaking bahagi ng budget na aabot sa P323.56 bilyon ay mapupunta sa Department of Education (DepEd).
Sumunod dito ang Department of Public Works and Highways (P292.4 bilyon), Department of Social Welfare and Development (P109.34 bilyon), Department of Interior and Local Government (P104.57 bilyon), at Department of National Defense (P99.92 bilyon).
Cynthia Martin / Niño Aclan